Panimula     

Sa loob ng 333 taon ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espanya. Ito ay nagdulot ng panandalian at pangmatagalang epekto sa pulitika, ekonomiya at panlipunang pamumuhay ng mga Pilipino.

Ang mga pangmatagalang epekto ng kolonyalismong Kastila ay makikita natin sa maraming aspeto ng ating kultura hanggang sa kasalukuyan, lalo na sa dominanteng relihiyon sa ating bansa—ang Katolisismo. Pag-aaralan natin sa gawaing ito ang mga impluwensiyang Espanyol sa ibang aspeto ng ating kultura liban sa relihiyon. At bibigyang pansin natin ang mga impluwensiyang Espanyol sa Hilongos, ang ating bayan.

Ang Hilongos ay isang mapayapang lungsod na matatagpuan sa may Timog kanlurang bahagi ng lalawigan ng Leyte. Ito ay may kabuuang lawak na 18,914.22 ektarya. Pinangalanan itong El Pueblo de los Hilongos ng mga Kastila noong 1603.
 

Gawain (Task)

Ang produkto ng ating pag-aaral sa mga impluwensiyang Espanyol sa kultura ng Hilongos ay isang “magazine” na binubuo ng ilang artikulo at mga litrato. Magkakaroon ng isang artikulo tungkol sa bawat isa sa mga sumusunod na paksa:

Tatalakayin ng bawat artikulo ang mga impluwensiyang makikita hanggang sa kasalukuyan. Tatalakayin din kung paano natin binigyan ng sariling kahulugan o ginawang Pilipino ang mga orihinal na salita at gawa ng mga Espanyol sa mga larangang nabanggit.

Basahin ang mga hakbang sa pagbuo ng magasin.